
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang ilang lalawigan sa Bicol at Visayas region, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-8:54 kagabi nang maitala ang magnitude 6.2 na lindol sa layong 150 km hilagang silangan ng Gigmoto, Catanduanes.
May lalim itong 072 km at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity IV sa Virac, Catanduanes; intensity III sa Prieto Diaz, at syudad ng Sorsogon, Sorsogon; San Policarpo, Eastern Samar; Allen, Biri, Bobon, Catarman, Laoang, Lavezares, Rosario, San Jose, at San Roque, Northern Samar; Calbiga, at syudad ng Catbalogan, Samar.
Intensity II naman ang naramdaman sa Malinao, at lungsod ng Tabaco, Albay; syudad ng Borongan, Eastern Samar; Babatngon, Dagami, Dulag, Palo, Santa Fe, at Tanauan, Leyte; lungsod ng Tacloban; San Antonio, Northern Samar, at intensity I sa Alangalang, syudad ng Baybay, at Tabontabon, Leyte.
Sa instrumental intensities; naitala ang intensity II sa Legazpi City, Legaspi, Albay; Daet, Camarines Norte; Sipocot, Iriga City, Pili, Camarines Sur; Kananga, Dulag, Abuyog, Leyte; San Roque, Northern Samar; Bulusan, Prieto Diaz, Sorsogon.
Intensity I sa Ragay, Pasacao, Camarines Sur; Quinapondan, Eastern Samar; Palo, Alangalang, Leyte; Monreal, Uson, Masbate; Gumaca, Polillo, Mauban, Guinayangan, Quezon; Donsol, Sorsogon.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing paglindol.
Samantala, dalkong ala-1:48 ng madaling-araw nang magkaroon ng aftershocks sa Catanduanes.
Magnitude 4.3 ang naitala sa layong 110 km hilgang silangan ng bayan ng Gigmoto, ng nasabing lalawigan.
May lalim itong 105 km at tectonic ang origin.
Ganap namang alas-4:53 ng madaling-araw naman nang tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa Zamboanga Del Sur.
Nakita ang sentro nito sa layong 003 km hilagang silangan ng bayan ng Dumingag, Zamboanga Del Sur at may lalim lamang na 001 km at tectonic ang origin.
