
NI NERIO AGUAS
Nakapagtala ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit sa 45,000 arrivals sa bansa noong nakalipas na Easter Sunday.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco kabilang din ang 33,000 umalis ng bansa na naitala.
“The high number of arriving and departing passengers show that the travel sector is already recovering. We see this as a good sign, and we believe the numbers will continue to rise until the end of the year,” sabi ni Tansingco.
Una nang iniulat nito na naging maayos ang operasyon ng BI sa mga paliparan at pantalan sa kabila ng maraming biyahero ang dumagsa sa mga probisya para magbakasyon.
Nabatid na kabuuang 155 immigration officers ang ipinakalat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang paliparan kasama ang mga bagong 36 immigration officers na nagtapos sa pagsasailalim sa pagsasanay.
Pinuri rin ni Tansingco ang mga tauhan nito sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa panahon ng holiday season.
“Our officers sacrifice precious time with their loved ones to serve the travelling public. Despite the challenges, we are thankful to those who continue their work efficiently and professionally,” sabi pa ng BI chief.
