
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Agusan del Norte at Davao Oriental ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-12:04 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 5.1 na lindol sa layong 006 km timog silangan ng bayan ng Santiago, Agusan Del Norte.
May lalim itong 013 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity IV sa Santiago, Jabonga, at sa syudad ng Cabadbaran, Agusan del Norte at intensity III sa Talacogon, Agusan del Sur.
Intensity II naman sa Lanuza, Agusan del Sur at intensity I sa Guinsiliban, Camiguin.
Samantala, sa instrumental intensities, naitala ang intensity IV sa syudad ng Cabadbaran, Agusan del Norte at intensity III sa lungsod ng Surigao, Surigao del Norte at intensity I sa Talakag, Bukidnon; Abuyog, at Mahaplag, Leyte.
Nag-abiso ang Phivolcs na asahan na ang pagkakaroon ng aftershocks sa mga susunod na oras at araw.
Samantala, muli rinng niyanig ng lindol ang lalawigan ng Davao Oriental ngayong umaga.
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-7:00 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.0 na lindol na ang sentro ay natukoy sa layong 247 km timog silangan ng bayan ng Tarragona, Davao Oriental.
May lalim itong 033 km at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang epekto sa nasabing lalawigan ang naturang lindol at wala na ring inaasahang aftershock sa mga susunod na araw.
