Davao Occidental inuga ng lindol

NI MJ SULLIVAN

Muling niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental makaraang maramdaman ang magnitude 4.2 na lindol na tumama ngayong umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-9:32 ng umaga nang maitala ang nasabing lindol sa layong 301 kms timog silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

May lalim itong 023 km at tectonic ang origin.

Sa kabila nito ay wala ang naging epekto ang nasabing lindol at wala namang inaasahang aftershock sa susunod na mga araw.

Samantala, magnitude 3.3 na lindol din ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon.

Ganap na alas-4:12 ng madaling-araw nang maitala ang lindol sa layong 041 km hilagang silangan ng Prieto Diaz, Sorsogon at may lalim lamang na 003 km at tectonic ang origin.

Wala ring inaasahang aftershock sa mga susunod na araw.

Leave a comment