Tansingco sa mga OFWs: Huwag maging biktima ng human trafficking

NI NERIO AGUAS

Nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga Pinoy na nais magtrabaho sa ibang bansa na mag-ingat na mabiktima ng human trafficking at illegal recruitment.

Ang panawagan ay ginawa ni Immigration Commissioner Norman Tansingco kasabay ng pagtitiyak na patuloy na magpapatupad ng mahigpit na kampanya laban sa mga nasa likod ng human trafficking at illegal recruitment sa kabila ng mga batikos na inaabot mula sa social media.

“I have instructed our officers to keep doing their duties with dignity and patriotism.  Social media ridicule will not deter us from performing our mandate to combat human trafficking in our ports,” sabi ni Tansingco.

“There will be no letup in our campaign so long as these traffickers and illegal recruiters continue to prey on our countrymen who are sent to work abroad without proper documents and protection from the government,” dagdag pa nito.

Ayon sa opisyal, naniniwala itong pakana ng mga human trafficking syndicates ang nasa likod ng smear campaign laban sa BI dahil sa mahigpit na kampanya laban sa mga ito.

Aniya, ilang pasahero ang nagiging pasaway kapag sumasailalim sa inspeksyon kung kaya’t nahihirapan ang mga BI personnel na gawin ng maayos ang trabaho ng mga ito.

 “Our officers are reminded to conduct their work professionally.  We request that the traveling public likewise return the respect towards our uniformed personnel,” sabi nito.

Pinaalalahanan ni Tansingco ang mga tauhan nito na magpatuloy sa pagtupad sa tungkulin sa kabila ng samut’ saring usapin sa mga nakalipas na taon.

“I have asked them to stay focused on their jobs, because what we are doing is to protect our countrymen from being subjected to abuse and maltreatment in foreign lands. Kung may kasalanan ka, unang-una ako sa magkakaso sa ’yo.  Pero kung wala kang kasalanan, ipaglalaban kita,” sabi nito.

Magugunitang natuklasan ng BI ang tangkang pagpapalusot ng human trafficking syndicate sa ilang overseas Filipino workers (OFWs) nang masabat ang tatlong babae na biktima ng illegal  recruitment patungong Dubai.

Ang mga biktima na sadyang hindi pinangalanan ay naharang noong Abril  11 bago pa makasakay ng Cathay Pacific flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa imbestigasyon, ang mga biktima ay nagkunwang mga turista at magbabakasyon sa Hong Kong subalit inamin din na ni-recruit ang mga ito para maging household service workers (HSWs) sa Dubai.

“The passengers presented certificates of local employment at a law firm, so as to intimidate and trick the immigration into thinking that they will be travelling for tourism purposes. They later confessed, that a certain Helen promised them jobs as HSWs in Dubai to receive a salary of AED1600,” sabi ni Tansingco.

Leave a comment