
NI NERIO AGUAS
Naaalarma ang Bureau of Immigration (BI) sa dumaraming African nationals na nasasabat dahil sa pagkakakumpiska sa pekeng dokumento hawak ng mga ito.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, nababahala ito panibagong Senegal nationals na nahuli sa pag-iingat ng pasaporte na may pekeng BI stamps at visas.
“This implies that there might be a syndicate that defrauds these Africans and offers to fix their documents, but instead gives them fake ones,” ayon sa opisyal.
Sa ulat, noong nakalipas na buwan ng Marso nang masabat ng BI ang tatlong Senegalese kabilang ang dalawang menor-de-edad sa Mactan-Cebu International Airport (NAIA) nang tangkaing umalis ng bansa gamit ang pekeng BI stamps sa kanilang pasaporte.
Sa ginawang eksaminasyon sa kanilang pasaporte ng BI’s forensic documents laboratory , natuklasan na ang Schengen visas na nakalagay sa kanilang pasaporte ay peke rin.
Magugunitang kamakailan ay isa pang lalaking Senegal ang nasabat matapos na magpakita ng pekeng BI stamp sa kanyang pasaporte
“Foreign nationals in the country should not seek the assistance of fixers that promise to process your papers illegally. Report these fixers immediately to the police so they can be arrested and jailed,” sabi ni Tansingco.
