
Ni NERIO AGUAS
AABOT sa mahigit sa 70,000 trabaho ang naghihintay sa mga naghahanap ng trabaho sa darating na Mayo 1 o pagdiriwang ng ika-121 taong Labor Day.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), 73,779 job vacancies ang bubuksan ng 808 employers sa mga job seekers sa face-to-face job fairs na gaganapin sa 42 job fair sites sa buong bansa.
Kabilang sa mga top industries ang BPO, manufacturing, financial and insurance activities, manpower services, at sales and marketing.
Samantala, ang mga top vacancies ay para sa customer service representatives, production workers/operators, financial consultants, service crew, at sales agents o sales clerks.
Sinabi pa ng DOLE na sa mga susunod na araw ay posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga job vacancies.
Kabilang sa mga job fair site ay sa SMX Convention Center, SM Mall of Asia Complex sa Pasay City, kung saan mahigit sa 12,000 bakanteng trabaho ang bubuksan ng 125 employers sa Abril 30.
Samantala, ang iba pang job fair sites ay sa Luzon kabilang ang nasa National Capital Region – SM Grand Central (Caloocan City); QC Quadrangle (Quezon City); SM BF Parañaque (Parañaque City); SM Sucat (Parañaque City); SM Southmall (Las Piñas); Robinsons Place Las Piñas; Vista Mall Taguig; SM City Marikina (Marikina City); San Andres Gym (City of Manila)
Habang mayroon din sa Cordillera Administrative Region – SM Baguio; Baguio Convention Center; Ilocos Region – Provincial Livelihood Development Center, Vigan, Ilocos Sur; PESO Multipurpose Hall, Lingayen, Pangasinan; Orbos Gym, Sta. Barbara, Pangasinan; Magic Mall, Urdaneta City, Pangasinan.
At Sa Cagayan Valley Region – SM City Tuguegarao; Robinsons Place Santiago; Reina Mercedes Municipal Court, Mercedes, Isabela; Northstar Mall, Ilagan City, Isabela; Bambang Sports Complex, Bambang, Nueva Vizcaya
Sa Central Luzon – SM City Marilao, Bulacan; SM City Cabanatuan, Nueva Ecija; SM City Pampanga, City of San Fernando Pampanga; SM City Olongapo Central; SM City San Jose Del Monte; CALABARZON – Ynares Center, Antipolo City, Rizal; MIMAROPA – City Mall, Calapan City, Oriental Mindoro; Bicol Region – Ayala Malls Legazpi.
Ang mga job seekers naman sa Visayas maaaring magpunta sa Western Visayas – Robinsons Iloilo; Central Visayas – Robinsons Galleria Cebu; Lamberto Macias Sports Complex, Dumaguete City, Negros Oriental; Eastern Visayas – Tacloban Convention Center
At sa Mindanao, ang job fair sites ay sa Zamboanga Peninsula – KCC Mall de Zamboanga; Northern Mindanao – SM CDO Downtown Premier; Davao Region – SM City Davao; Provincial Capitol Gymnasium of Davao Oriental, Mati City, Davao Oriental; SOCCSKSARGEN – Kidapawan City Gymnasium, Kidapawan City; Caraga – Almont Inland Hotel, Butuan.
Mayroon ding post-Labor Day job fairs na gaganapin sa People’s Center, Balanga City, Bataan at Bulacan Capitol Gymnasium, Malolos City, Bulacan sa Mayo 3; at sa 3rd Level Alabang Public Market sa Mayo 5.
Hinihikayat ng DOLE sa mga naghahanap ng trabaho na maging handa sa mga sumusunod na kinakailangan sa aplikasyon: resume o curriculum vitae, sertipiko ng trabaho para sa mga dating nagtatrabaho, diploma, at transcript of records.
