PBBM suportado ng Kamara sa PH-US ties para sa kapayapaan sa Indo-Pacific region

Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Suportado ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na itulak ang pangangalaga ng kapayapaan sa rehiyon ng Indo-Pacific bilang isa sa mga pangunahing punto ng talakayan sa kanyang pakikipagpulong kayUS President Joe Biden.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nasa likod ni Pangulong Marcos ang Kamara sa desisyon nito.

“The House of Representatives stands solidly behind President Marcos in his effort to further bolster the long-standing relationship between the Philippines and the United States with the end in view of ensuring peace and stability in the Indo-Pacific region,” sabi ni Romualdez.

Ginawa ni Romualdez ang pahayag sa pagdating ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos sa Joint Base Andrews Airport sa Maryland.

Sa isang pakikipanayam sa mga miyembro ng Philippine media sa panahon ng kanyang paglipad sa US, sinabi ni Pangulong Marcos na sa pagtawag para sa “ebolusyon” ng relasyon sa PH-US ay naglalayong linawin ang sigalot sa US-Pacific Region.

“Geopolitical tensions and apprehensions of possible hostilities in the region will have an adverse effect on our aspirations for sustained economic growth and prosperity. It is to everyone’s benefit to ensure that conflicts are resolved through diplomatic and peaceful means,” ayon pa kay Romualdez.

Nauna nang lumipad si Romualdez sa US noong kalagitnaan ng Abril upang ilatag ang batayan para sa pagdalaw ni Pangulong Marcos sa pamamagitan ng pakikipagpulong sa mga pangunahing mambabatas ng US upang talakayin ang karagdagang pagpapalakas sa alyansa ng seguridad at pakikipagtulungan sa ekonomiya sa pagitan ng dalawang bansa.

Magugunitang inihayag ng China na mariin nitong ang desisyon ng Pilipinas na makipagkasundo sa US na magdagdag military bases sa bansa sa pamamaril ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Gayunpaman, tiniyak ni Pangulong Marcos na ang karagdagang mga site ng EDCA ay hindi banta sa Tsina, na may territorial dispute sa Pilipinas at iba pang mga bansa sa rehiyon sa maritime claim.

“We work for peace. We will not encourage any provocative action by any country that will involve the Philippines by any other country. We will not allow that to happen. We will not allow the Philippines to be used as a staging post for any kind of military action,” ayon pa sa Pangulo.

Leave a comment