Misinformation at illegal recruitment sa social media binatikos ng BI

BI Commissioner Norman Tansingco

NI NERIO AGUAS

Tahasang binatikos ng Bureau of Immigration (BI) ang nagkalat na misinformation sa mga social media at illegal recruitment para makaakit ng mga biktima ng human trafficking.

Sa inilabas na kalatas ni BI Commissioner Norman Tansingco, tinukoy nito ang ilang videos na kumakalat sa Tiktok, na nangungumbinse sa mga Filipinos na maghanap ng trabaho sa ibang bansa bilang turista sa paggigiit na karapatan ng mga itong mag-travel.

 “These videos spread misinformation that might cause aspiring workers to be illegally recruited or trafficked,” sabi ni Tansingco.

Aniya, pawang kasinungalinangan at hindi makalulusot sa BI ang pagkukunwang bibiyahe ang mga Pinoy sa ibang bansa bilang turista at sa huli ay para makapagtrabaho.

“Tiktok videos without proper context may cause confusion to the public. Apart from being part of the IACAT, it is the role of the BI to ensure that departing Filipinos are properly documented, based on their actual purpose of travel,” ayon sa BI chief.

Sinabi pa ni Tansingco na mahigpit ang pagmo-monitor ng Inter-Agency Council Against Trafficking  at BI sa mga Pinoy na nangingibang bansa upang masiguro na hindi mabibiktima ang mga ito sa sindikato ng human trafficking.

“Those who abuse social media to recruit and traffic Filipinos are being monitored already by local law enforcement agencies.  The IACAT is very active in arresting and prosecuting recruiters, so your days are numbered,” babala nito.

Kasabay nito, sinabi ni Tansingco na sinumang mahuhuling sangkot sa human trafficking ay mahaharap sa pagkakakulong ng hanggang 40-taon.

Leave a comment