6,700 trabaho sa mga Filipino pasalubong ni PBBM

Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.at si US President Joe Biden sa official visit sa White House.

Ni NOEL ABUEL

Aabot sa 6,700 bagong trabaho para sa mga Pilipino ang inaasahang sasamantalahin ng mga naghahanap ng trabaho mula sa biyahe ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Estados Unidos.

Sa kanyang post-visit report, sinabi ni Pangulong Marcos na babalik ito sa Pilipinas na may mahigit sa USD 1.3 bilyon na investment pledges na may potensyal na lumikha ng humigit-kumulang 6,700 bagong trabaho para sa mga Pilipino sa loob ng bansa.

Kasabay nito, pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang matagumpay na limang araw na opisyal na pagbisita ni Pangulong Marcos sa US na nakabuo ng bilyun-bilyong dolyar na mga pangako sa pamumuhunan na inaasahang lilikha ng libu-libong trabaho para sa mga Pilipino.

“I have personally witnessed how the President tirelessly pursued his mission to promote the interest of the Philippines. He wasted no time and seized all opportunities to engage with US government officials and key business leaders to secure meaningful benefits for our people,” sabi ni Speaker Romualdez.

Si Romualdez ay kabilang sa mga opisyal ng pamahalaan na kasama ni Pangulong Marcos sa kanyang iba’t ibang pakikipag-ugnayan sa limang araw na opisyal na pagbisita sa US.

“I am confident the lives of many of our Filipino brothers would soon be touched and transformed by the fruits of his official visit to the US,” ayon dito.

“These tangible benefits are won by our President’s indefatigable work coupled with his honesty and the sincerity of his intention to enhance Philippine-US relations for the good of both countries,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Binanggit ni Pangulong Marcos na sa kanyang pakikipag-ugnayan sa maraming grupo ng negosyanteng Amerikano, nagawa nitong mahikayat ang marami sa kanila na palawakin ang kanilang mga operasyon o lumikha ng mga bagong pakikipagsapalaran sa Pilipinas.

Aniya sa sandaling magdesisyon ang mga pamumuhunan na ito mula sa US ay susuporta ito sa mga pagsisikap sa pagbawi ng ekonomiya ng bansa at higit na magpapatibay sa pundasyon ng ekonomiya.

“We expect even more investment that will materialize once these companies firm up their plans,” ayon pa sa Pangulo.

Kabilang sa mga pangunahing lugar na pinagtutuunan ng pansin ng opisyal na pagbisita ng Pangulo sa US ay ang pagpapahusay ng kooperasyon sa pagtugon sa ilan sa mga pangunahing hamon sa ekonomiya, partikular sa pagkain, enerhiya, at seguridad sa kalusugan, digital connectivity, at ang mga cross-cutting issue ng pagbabago ng klima at paghahanda sa pandemya.

Leave a comment