Bangus festival sa Dagupan dinagsa ng 600K bisita

Sina Senador Francis Tolentino (nasa kanan), at DILG Benhur Abalos (ikalawang sa kaliwa), kasama ang ilang opisyal ng Dagupan City sa isinagawang grill Lighting ceremony kasabay ng Kalutan ed Dalan Bangusan Street Party.

Ni NOEL ABUEL

Mahigit 600,000 katao ang lumahok sa taunang Bangus Festival ng Dagupan City kasabay ng isang buwang selebrasyon ng sikat na produksyon ng isda sa lungsod at mga kaugnay nitong produkto, na nagtapos sa Kalutan ed Dalan Bangus Street Party–tinaguriang isa sa pinakamalaki sa bansa.

Sinimulan ang kasiyahan sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Fun Run ng Department of the Interior and Local Government (DILG), isang anti-drug abuse campaign, na sinalihan ng 12,000 katao na dumaan sa mga lansangan ng lungsod, simula sa CSI Stadia.

Samantala, bumisita sibSenador Imee Marcos sa Kadiwa ng Pangulo trade fair na ginanap sa CSI Mall Dagupan, na inorganisa ng kani-kanilang regional offices ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang local government units ng Ilocos Sur at Dagupan City.

Ang trade fai na inilunsad ng Pangulo at Agriculture Secretary Ferdinand Marcos, Jr.–ay nag-imbita sa mga MSMEs na magpakita ng kanilang iba’t ibang produkto tulad ng mga kailangan sa bahay, grocery goods, at mga pagkain.

Sa apat na araw na selebrasyon ay kumita ng kabuuang P571,069 ang mga negosyante.

Nabatid na 20,000 bangus ang niluto sa mahigit 1,000 grills na nakahanay sa Jose De Venecia Highway para sa Kalutan ed Dalan Bangusan Street Party.

Ang Bangus Festival ay dinaluhan din ng ilang mga natatanging panauhin, kabilang si Senador Francis Tolentino; Pangasinan 4th District Rep. Christopher de Venecia; dating Rep. Gina de Venecia, DILG Secretary Benhur Abalos, Department of Health (DOH) Assistant Secretary Eric Tayag, Dean of the Diplomatic Corps, Papal Nuncio to the Philippines His Excellency Archbishop Charles John Brown, Archbishop Socrates Villegas, mga local government unit (LGU) officials, at ilang diplomats.

Sa pulong balitaan, nagpasalamat si Mayor Belen Fernandez sa the DILG at Sec. Abalos sa pagpayag nito sa kanilang kahilingan na magsagawa ng BIDA Fun Run sa Dagupan.

“I told SILG Abalos that the anti-drug advocacy of the BIDA Fun Run will continue to be promoted in our barangays. Rest assured, we will also continue doing that in all public events to come in Dagupan City,” sabi ni Fernandez.

Leave a comment