Flood control project sa Surigao del Sur natapos na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang flood control project sa baybaying Barangay ng Cortes, Surigao del Sur upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at kanilang mga ari-arian mula sa pagbaha na dala at malalaking alon.

Ang 181.6 lineal meter concrete seawall na itinayo na may concrete slope protection, grouted riprap at structural steel sheet piles ay inaasahang proyekto para sa mga lokal na madalas na nakakaranas ng pagkabalisa at pag-aalala sa panahon ng masamang kondisyon ng panahon.

Sa kanyang ulat kay DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, sinabi ni Regional Office 13 Director Pol M. Delos Santos na ang pagkumpleto ng seawall project ay naglalayong maiwasan ang coastal erosion na may mas mataas na slope protection upang mapangalagaan ang baybayin kapag tumama ang malalaking alon at maprotektahan ang mga istruktura na madala ng alon.

“It is a long-awaited project as raging flood waters forced our locals living along coastal barangays to leave and reside in a safer place. With this project, they are now better protected and their safety is ensured,” sabi ni Delos Santos.

Sa alokasyon na P15.3 milyon, ang proyekto ay ipinatupad ng DPWH Surigao del Sur 1st District Engineering Office.

Leave a comment