DENR suportado ang ecosystem and natural capital accounting

DENR Sec. Antonia Loyzaga

Ni NOEL ABUEL

Suportado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang panukalang batas na naglalayong bumuo ng isang sistema upang matugunan ang buong halaga ng mga likas na pag-aari ng bansa na makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya.

“We must measure what we treasure as a country,” sabi ni DENR Secretary Antonia Loyzaga sa pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs sa panukalang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS).

Nabatid na tatlong senador na sina Sens. Loren Legarda, Ramon “Bong” Revilla Jr., at Joel Villanueva ang naghain ng magkahiwalay na naghain sa Senado ng mga katulad na panukalang batas na naglalayong i-institutionalize ang PENCAS.

May hiwalay ring panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang PENCAS sa pangunguna ni Negros Occidental 3rd District Rep. Jose Francisco “Kiko” Benitez.

“The DENR strongly and categorically supports the legislative measures that aim to institutionalize PENCAS, which will not only provide us with a snapshot of the environment and its contribution to the economy,” ayon pa kay Loyzaga.

“PENCAS help map possible directions in the development of the nation beyond traditional indicators and allow us to explore multiple trajectories for social, economic, and environment development from the valuation of our natural resources,” dagdag pa ng kalihim.

Sinabi pa ni Loyzaga na ang PENCAS ay hindi lamang magsisilbing kasangkapan para sa pagtukoy sa mga kontribusyon ng ecosystem sa pag-unlad ng ekonomiya, kundi para rin sa mas mahusay na pamamahala ng mga likas na yaman at pagpapabuti ng klima at katatagan ng kalamidad.

“The Department believes that these bills will more accurately reflect the true state of the nation’s wealth as derived from its natural resources. It will enable strategic planning for sustainable development and climate and disaster resilience by establishing the baseline accounts for the Philippine Development Plan,” ayon pa dito.

Sinabi ni Loyzaga na ang PENCAS ay maaaring magsilbing pangunahing paraan ng pagkamit ng mga agenda sa biodiversity, klima, Sustainable Development Goals, at green recovery; maglatag ng komprehensibong balangkas ng data framework at natural account statistics and accounts; at magbigay ng kagamitan at hakbang upang mag-ambag sa proteksyon, konserbasyon, pagpapanumbalik, at katatagan ng ecosystem.

Dagdag pa rito, sinabi ni Loyzaga na tutulong ang PENCAS sa Water Resources Management Office sa DENR, na nilikha kamakailan sa bisa ng Executive Order No. 22 na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi nito na ang PENCAS ay maaaring magbigay ng impormasyon sa pisikal na daloy ng tubig sa loob at pagitan ng ekonomiya at kapaligiran; mga stock ng mga water assets at mga pagbabago sa mga stock na ito; aktibidad sa ekonomiya; at mga transaksyong may kaugnayan sa yamang tubig.

Leave a comment