
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Isabela at karatig lalawigan nito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong ala-2:43 ng hapon noong Linggo nang tumama ang magnitude 4.7 na lindol sa layong 020 km timog silangan ng Dinapigue, Isabela.
May lalim itong 013 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang nasabing malakas na lindol sa intensity III sa Dinapigue, Isabela; Casiguran, Dinalungan at Dilasag, Aurora.
Habang intensity II naman sa Maddela, Quirino .
Sa instrumental intensities, naitala ang intensity III sa Casiguran, Aurora at intensity II sa Madella, Quirino at lungsod ng Santiago, Isabela .
Intensity I naman sa Baler, Aurora.
Wala namang inaasahang idinulot na danyos ang nasabing paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.
