800 sugar farmers sa Batangas nakatanggap ng tulong sa Kamara

Personal na pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pamamahagi ng P10,000 ayuda sa mga sugar farmers sa Balayan, Batangas. Nasa larawan din si  Gabriela party list Rep. Arlene Brosas.

Ni NOEL ABUEL

Aabot sa 800 sugar farmers sa lalawigan ng Batangas ang nakatanggap ng pinansyal na tulong kasunod ng pagsasara ng pinakamalaking sugar mill sa bansa.

Personal na pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pamamahagi ng tulong sa 800 magsasaka ng asukal sa Batangas kasabay ng pangakong hahanap ito ng long-term solution sa kalagayan ng lahat ng apektadong sektor.

Magugunitang ang pagsasara ng Central Azucarera de Don Pedro, Inc. (CADPI) sa Nasugbu, Batangas, ang Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform ay nagkakaisa para sa tunay na reporma sa agrikultura kasama si Gabriela party list Rep. Arlene Brosas na hinahangad ang tulong ni Speaker Romualdez na nakinig sa kanilang mga alalahanin noong Pebrero.

Nakipagtulungan si Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipamahagi ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program na katumbas ng P10,000 sa bawat apektadong sugar farmer.

“Nang makausap ko ang mga magsasakang naapektuhan ng pagsasara ng sugar mill sa Speaker’s Office, nalungkot ako sa dala nilang balita. Alam ko ang epekto ng pagsasara ng sugar mill. Kagutuman at kalituhan ang tiyak na resulta nito,” sa pahayag ni Romualdez sa AICS distribution na ginawa sa Balayan, Batangas.

Sinabi nito na ang pagsasara ng CADPI ang pinakamalaking sugar mill sa buong rehiyon IV at ang ika-2 sa pinakamalaki sa Luzon, ay nakuha ang 12,000 manggagawa sa bukid ng regular na trabaho; mahigit sa 8,772 magsasaka ang nasa panganib, at nawala ang 125 milyong manggagawa.

Sinabi ni Romualdez na sa panahon ng krisis at kahirapan, tungkulin ng lahat na tumayo at pahabain ang pagtulong sa mga nangangailangan.

“That is why I am immensely proud to share with you today the collaborative efforts of the Sugar Folks Unity for Genuine Agricultural Reform, Gabriela Representative Arlene Brosas, and the House Speaker’s Office,” ayon sa lider ng Kamara.

“Today, as we distribute these much-needed resources, we are not just providing financial support; we are also offering a glimmer of hope, a symbol of solidarity, and a reminder that no one is alone in their struggles. It is my firm belief that by working together and supporting one another, we can overcome any challenge that comes our way,” dagdag nito.

Kinikilala ni Romualdez ang mga kontribusyon ng iba pang mga opisyal sa pagsisikap upang matulungan ang mga taong apektado ng pagsasara ng sugar mill tulad ni House Committee on Appropriations Chairperson Zaldy Co, Gabriela Rep. Brosas, Batangas 1st District Rep. Eric R. Buhain at ang kanyang asawang si Eileen Ermita-Buhain, at Balayan Municipal officials sa pangunguna ni Mayor Emmanuel Salvador P. Fronda II.

Leave a comment