Bagong tulay sa Negros Occidental natapos na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natapos na nito ang isang tulay sa lalawigan ng Negros Occidental na malaking tulong para sa mga residente ng nasabing probinsya.

Sinabi ng DPWH na ang mga residente ng Barangay Canlusong at San Isidro sa munisipalidad ng E. B Magalona, ​​Negros Occidental ay ligtas nang makakatawid sa Malogo Riverbsa pagtatayo ng bagong Sitio Calaptan Bridge.

Sa kanyang ulat, sinabi ni DPWH Region 6 Director Nerie D. Bueno na ang pagpapalit ng tulay ay nag-aalok ng napakalaking improvement kumpara sa luma, sira-sirang overflow bridge sa pamamagitan ng pagbibigay ng walang patid na access sa transportasyon at mas madaling paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng dalawang barangay.

“The public can now access Barangay Canlusong via Barangay San Isidro, which connects to a number of communities in the uplands of E.B. Magalona,” sabi ni Bueno.

Maliban sa mas maayos na pag-uugnay sa dalawang komunidad, magiging mas maginhawa at matipid din ang transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura sa mga pamilihan dahil hindi na kailangang manu-manong dalhin ng mga lokal na magsasaka ang kanilang mga produkto kapag tumaas ang tubig sa kahabaan ng nakaraang overflow bridge, na naging dahilan upang hindi makadaan ang mga sasakyan.

Isinagawa ng DPWH Negros Occidental 1st District Engineering Office, sinakop ng P24.7-milyong proyekto ang pagtatayo ng 2-lane, 30-span reinforced concrete deck girder (RCDG) bridge na may grouted riprap, gabions, at metallic coating.

Ang iba pang mga gawa sa Sitio Calaptan Bridge ay kinabibilangan ng portland concrete cement paving sa parehong approach para magbigay ng mas magandang access para sa lahat ng uri ng sasakyan at matiyak ang proteksyon mula sa erosyon na maaaring dulot ng magulong daloy ng tubig.

Leave a comment