Surigao del Norte at Occidental Mindoro niyanig ng malakas na paglindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na magkahiwalay na paglindol ang lalawigan ng Surigao del Norte at Occidental Mindoro ngayong araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ganap na ala-1:08 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 4.8 na lindol sa layong 008 km hilagang kanluran ng San Francisco, Surigao Del Norte.

May lalim itong 011 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity V sa San Francisco at sa syudad ng Surigao, Surigao Del Norte habang intensity IV sa San Ricardo, Southern Leyte; Tubod, Malimono, Tagana-an, Mainit, at Gigaquit, Surigao Del Norte.

Intensity III sa San Francisco at Pintuyan, Southern Leyte; Sison, Surigao Del Norte at intensity II naman sa Limasawa, Southern Leyte; Claver, Surigao Del Norte.

Samantala, sa instrumental intensities ay naitala ang intensity V sa syudad ng Surigao, Surigao Del Norte at intensity I sa syudad ng Cabadbaran, Agusan del Norte; Hinunangan, Southern Leyte.

Isinusulat ang balitang ito ay wala pang ulat kung may nasirang gusali o tulay, kalsada dahil sa nasabing paglindol.

Ganap namang alas-9:04 ng umaga nang maitala ang magnitude 4.3 na lindol sa layong  013 km timog kanluran ng Abra De Ilog, Occidental Mindoro at may lalim na 050 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity III sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro at intensity II sa Paluan, Occidental Mindoro; Puerto Galera, San Teodoro, at Baco, Oriental Mindoro; Calatagan, Tingloy, at Balayan, Batangas .

Intensity I naman sa Mamburao, Occidental Mindoro; lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro;

Batangas City, Bauan, lungsod ng Calaca, Mabini, San Pascual, San Luis, Lemery, at Lian, Batangas.

Leave a comment