1 kilo shabu pa nakumpiska


NI NERIO AGUAS
Naaresto na ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national na nagawang makatakas kamakailan sa loob ng BI jail facility sa Bicutan, Taguig.
Ayon sa BI, magkasanib puwersa ang BI’s intelligence division (ID) at fugitive search unit (FSU) nang madakip ang Sputh Korean na si Kang Juchun, 38-anyos, sa isang condominium unit sa kahabaan ng N. Domingo St. Brgy. Ermitano, San Juan City.
Nabatid na nang maaresto ang dayuhan ay nahirapan itong maglakad na hinihinalang dahil sa pagbagsak sa 20-foot fence na may barbed wires sa BI jail facility sa Taguig City nang tumakas ito.
Kasama rin sa operasyon ng BI ang AFP intelligence forces, ang Philippine National Police (PPNP), SMART, ng San Juan City Police Station Intelligence Branch, MIG 46 SIF, MFC-DI, NISG NCR, at NBI-AOTCD.
Magugunitang si Kang ay sinasabing nagawang makaakyat sa 20-foot fence na may barbed wires sa BI jail facility sa Taguig City.
Nabatid na tinatayang ganap na alas-2:00 ng madaling-araw noong Mayo 21 nang akyatin ni Kang ang mataas na pader ng BI facility kung saan pinaniniwalaang nagtamo ito ng sugat dahil sa pagbagsak.
Sinasabing nagawa ng dayuhan lusutan ang isang blind spot sa CCTV ng pasilidad kung saan umakyat ito sa bakod at nahulog sa sementadong kalsada.
Si Kang ay unang nadakip noong nakalipas na Pebrero 10 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 matapos dumating sa bansa mula Bangkok.
Napag-alaman na si Kang ay nasa Interpol red notice kung saan naglabas ng warrant of arrest ang Seonsan Branch of the Daejon District Court noong Pebrero February dahil sa kasong pagpatay na tahasang paglabag sa Criminal Act of the Republic of Korea.
Samantala, dalawa pang South Koreans ang dinakip din ng BI dahil sa pagtatago kay Kang.
Kinilala ang mga dinakip na dayuhan na sina Lim Kyung Sup, 43-anyos, at Kim Mi Kyung, 39-anyos, dahil sa paglabag sa Immigration laws at pagprotekta sa illegal aliens.
Natuklasan din sa Korean authorities na si Kim ay nahaharap din sa kaso sa Korea at overstaying na rin ito kasama si Lim.
Nahaharap din sa kasong paglabag sa illegal drugs ang tatlong Koreans nang makumpiska sa pag-iingat ng mga ito ang nasa 1 kilo ng methamphetamine o shabu na may street value na P10.2M.
