Habagat paiigitingin pa ng bagyong Betty habang lumalabas ng PAR — PAGASA

NI MJ SULLIVAN

Sa kabila ng dahan-dahang lumalayo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Betty ay magpapatuloy namang magdadala ng malalakas na hangin at pag-ulan ang Habagat sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Southwest Monsoon o Habagat ay magbibigay ng mga pag-ulan at malakas na hangin sa loob ng 24-oras sa northern Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Northern Samar at hilagang bahagi ng Samar.

Dahil dito, posibleng magdala ng pagguho ng lupa at landslides partikular sa mga lugar na tinukoy ng hazard maps.

Mananatili naman ang marine gale warning sa northern seaboards ng Northern Luzon, ng eastern seaboard ng Luzon, at ang western seaboard ng Southern Luzon.

Ang severe Tropical Storm BETTY ay magpapatuloy na kumikilos  northward o north northeastward  ngayong araw bago kumilos patungong hilagangsilangan  o east northeastward sa karagatan malapit sa Ryukyu Islands.

Sa pinakahuling datos, inaasahang ngayong hapon o gabi ay nasa labas na ng PAR ang bagyong Betty kung saan maglal-landfall o lalapit ito sa Okinawa Island ngayong bagi  bukas ng umaga.

Ang sentro ng severe Tropical Storm BETTY ay nasa 570 km Northeast ng Itbayat, Batanes at kumikilos ng North Northeastward sa bilis na 10 km/h taglay ang malakas na hangin na nsa 100 km/h.

Leave a comment