Pagbigyan natin ang MIF: “We are going to make the MIF work for the country” –Zubiri

Senate President Juan Miguel Zubiri

Ni NOEL ABUEL

Umapela si Senate President Juan Migue Zubiri sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang Maharlika Investment Fund (MIF) na patunayan na para sa ikabubuti ng bansa ang idudulot nito.

Ayon kay Zubiri, hindi dapat na mag-aalala ang lahat sa MIF dahil sa may nakapaloob ditong safeguards na hindi magagamit sa masama o maaabuso ang pondong ilalaan sa MIF.

Ayon naman kay Senador Mark Villar, na nag-sponsor sa MIF, malaking tulong ito para maiahon ang kahirapan ng mga Filipino kung saan sa sandaling maging batas ito ay magbibigay ng 350,000 trabaho sa buong bansa.

“Nananawagan ako sa ating mga kababayan, wag sila mag-alala, lahat na ng safeguards na mailalagay po namin, nailagay naming. From the selection of the officers, talagang may vetting process, to the almost two to three pages of penal provisions and the punishment if there is misuse of the funds, to the reiteration of the different laws under the penal code and under the special laws creating the Plunder law, the Graft and Corrupt Practices Act and several other laws that are under the auspices or sakop po ang mga public servants,” paliwanag pa ng Senate president.

Idinagdag pa nito na hindi magagalaw at hindi magko-contribute sa MIF ang pondo ng Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), PhilHealth, Philippine Veterans Affairs Office, at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) fund, Pag-IBIG, o Home Development Mutual Fund.

“Bawal na bawal po mag-contribute and GSIS, and SSS, ang Philhealth and Pagibig and PVAO, ‘yun ‘yung veterans fund at ‘yung OWWA fund. So itong mga tinatawag natin na private funds or trust funds in the hands of government, under the protection of government kase ito po ay kaltas sa atin, hindi po magagamit ng Maharlika kahit anumang panahon, not mandatory not voluntary. So we want to put that on record para sa pangamba ng ating mga kababayan hindi na po mangyayari,” giit pa nito.

Maliban din nito, sinabi ni Zubiri na magbabantay rin ang  Commission on Audit COA), at Joint Congressional Oversight Committee, gayundin ng pagkakaroon ng Internal Auditor at External Auditor ang MIF.

“We also put very strict compliance on the selection nitong mga members of the board, advisory council. Napakabigat, parang Judiciary Bar Council, ‘yung advisory board ang pipili ng ilang pwedeng maging president at CEO diyan, at doon pipili si Presidente. Ibig sabihin, may dadaan pang proseso. Hindi lang pwedeng sabihin ng presidente na ito ang kukunin ko. Hindi po, may proseso pa na magbibigay ng top five names, or top three names ang advisory board, of which the president can choose from. So, there is a venting process,” dagdag pa ni Zubiri.

Sinabi pa nito na may nakapaloob ding penal provisions sa MIF na nasa dalawa hanggang tatlong pahina kasama na ang multa.

“’Yung penalties, ‘yung mga of course, mga parusa, na pag itong nangyari, may embezzlement, ito ‘yung parusa, ito ‘yung hatol…nilagay po namin ‘yung provisions on the law, the plunder law, so pag may nagnakaw ng over P50 million, automatic po, plunder ‘yan. Non-bailable, makukulong ng 20 years at  hanggang habambuhay, so nailagay po natin lahat ‘yan,” ayon pa dito.

Una nang niratipikan ng Kongreso ang MIF Act at dinala na sa Malacanang at hinihintay na lamang itong  pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at mailahad ito sa nalalapit na State-of-the-Nation-Address (SONA).

Leave a comment