22 hired-on-the-spot sa 2023 1st Job Expo ng CHED

NI NERIO AGUAS

Iniulat ng Department of Labor and Employment Regional Office No. 2 na nasa 22 indibiduwal ang natanggap sa trabaho sa sa ginanap na 1st CHED Job Expo 2023 sa SM Center Tuguegarao Downtown noong Mayo 25, 2023.

Ayon sa report ng DOLE-Regional Office No. 2, ang mga bagong pasok sa trabaho ay bumubuo sa 23 porsiyento ng kabuuang bilang ng mga nagparehistro sa nasabing job fair kung saan lumahok ang 34 pribadong lokal na employer at nag-alok ng 911 bakanteng trabaho.

Nabatid na ang mga bagong natanggap sa McDonald’s Philippines, Sanford Marketing Corporation, Jollibee Foods Corporation, SM Supermarket, SM Hypermarket, Hotel Carmelita, Philippine Prime Skyland Management and Development, at ACE Medical Center sa lalawigan ng Cagayan.

Nanguna ang McDonald’s Philippines sa listahan ng mga employers na may hired on the spot.

Lumahok sa nasabing job fair ang 97 naghahanap ng trabaho na kinabibilangan ng 35 lalaki at 62 babae.

Sa mga naghahanap ng trabaho, 23 ang near-hire na kinakailangan pang sumailalim sa karagdagang panayam at kumpletuhin ang mga dokumentong kinakailangan.

Isa ang job fair sa mga tampok na aktibidad sa ginanap na ika-29 taong anibersaryo ng Commission on Higher Education para sa mga magtatapos na estudyante mula sa higher education institutions, K12, at vocational graduate sa rehiyon. 

Leave a comment