
Ni NERIO AGUAS
Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national na wanted sa bansa nito dahil sa kasong fraud.
Kinilala ang nadakip na dayuhan na si Che Szu-Han, 26-anyos, na nadakip noong Mayo 31 sa Clark freeport sa Mabalacat, Pampanga.
Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang fugitive search unit (FSU) laban kay Che sa bisa ng mission order ng BI ayon sa hiling Taiwanese authorities.
Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy na naglabas ang Taipei district prosecutor’s office ng warrant of arrest laban kay Chen noong Hulyo ng nakalipas na taon.
Inakusahan ang nasabing dayuhan na pagiging miyembro ng isang criminal syndicate na tumangay ng malaking halaga sa mga naging biktima ng mga ito.
Si Chen ay naging undocumented alien matapos na bawiin at kanselahin ng Taiwanese government ang pasaporte nito.
Isasaayos na lamang ang kaukulang pasaporte para sa pagpapatapon sa nasabing dayuhan pabalik ng bansa nito.
