Davao Oriental, Surigao del Norte at Surigao del Sur magkakasunod na nilindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkakasunod na paglindol ang lalawigan ng Davao Oriental, Surigao del Norte at Surigao del Sur, mgayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa datos ng Phivolcs, dakong alas-7:08 ng umaga nang tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa layong 066 km timog silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental.

May lalim na 013 km at tectonic ang origin.

Samantala, dakong alas-7:37 ng umaga nang maramdaman ang magnitude 3.3 na lindol sa layong  003 km timog silangan ng San Isidro, Surigao Del Norte.

May lalim itong 016 km at tectonic ang origin.

Samantala, ganap namang alas-8:42 ng umaga nang maramdaman ang magnitude 3.1 na lindol sa Surigao del Sur na natukoy sa layong 030 km hilagang silangan ng Bayabas, Surigao Del Sur.

May lalim itong 013 at tectonic ang origin.

Wala namang iniulat na naging epekto ang mga nasabing paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment