Villafuerte sa DOH: Kailan ibibigay ang P12.57-B unpaid allowances ng HCWs?

NI NOEL ABUEL

Kinalampag ng isang kongresista ang Department of Health (DOH) kung kailan nito ibibigay ang  P12.57 bilyong halaga ng health emergency allowances para sa mga healthcare workers (HCWs) at non-HCWs na inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM).

“We want to know from the DOH when it intends to release the balance of  about P12.57 billion from the P19.96 billion in Covid-19 benefits and allowances due HCWs and non-HCWs for their medical services rendered to our people at the height of the pandemic—and which the DBM claimed to have already shelled out to the health department,” sabi ni CamSur Rep. LRay Villafuerte.

 “That our medical frontliners have yet to receive the promised remuneration for their life-saving efforts at the height of Covid-19  a year or two after the WHO (World Health Organization) had already declared this global public health emergency as over, leaves a bad taste in the mouth,” ayon pa kay Villafuerte, ang principal author ng RA 11469 o ang “Bayanihan to Heal as One Act” (Bayanihan 1) sa Kamara.

Ayon pa sa pangulo ng National Unity Party (NUP), na pangunahing may-akda sa Kamara ng RA 11494 o ang “Bayanihan to Recover as One Act” (Bayanihan 2), isinasaad ang financial aid o ayuda sa mga mahihirap na Filipino, dislocated workers at iba pang Covid-hit sectors; gayundin ang RA 11712 o ang “Public Health Emergency Benefits and Allowances for Healthcare Workers Act,” na nagtitiyak na ilalabas ang extra pay para sa mga HCWs at non-HCWs kahit matapos na ang dalawang Bayanihan laws.

Aniya, patuloy na umaasa ang 20,000 healthcare workers na matatanggap na ng mga ito ang matagal nang Covid-19 allowances.

Sa ulat ng United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP), sinabi ni Villafuerte na nasa 20,304 HCWs ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang Covid-19 allowances at iba pang benepisyo sa kabuuang P1.94B mula Oktubre 2021 hanggang sa kasalukuyan.

 Giit pa ni Villafuerte, matagal nang sinabi ng DBM sa mga ulat na walang naging sagabal sa pagpapalabas ng  Covid-19 benefits at allowances kung saan nakapagpalabas na umano ito ng P19.96B sa DOH para bayaran ang public health emergency benefits and allowances ng mga HCWs at non-HCWs na naaayon sa RA 11469 at RA 11712.

Idinagdag pa ng DBM, na sa P19.96B, nagamit na ng DOH  ang P7.39B hanggang Marso 31, 2023 kung kaya’t nasa P12.57B pa ang hindi naibibigay ng DOH.

Ayon pa sa UPHUP, nasa P1.84B ang hindi pa naibibigay sa 20,304 HCWs beneficiaries  na kinabibilangan ng One Covid-19 allowance (OCA) na nagkakahalaga ng P985.6M; P737.5M para sa health emergency allowance (HEA); special risk allowance (SRA) na nasa P16.8M at meals, accommodation and transportation (MAT) benefits na nasa P6.7M.

Ang mga HCW-beneficiaries ay mula sa 23 private hospitals sa Metro Manila at sa Batangas, Cavite, Cebu at Davao del Sur.

Leave a comment