Dating QC Mayor Bautista tinuluyan ng Sandiganbayan sa ikalawang kasong katiwalian

Ni NOEL ABUEL

Nabigo si dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista na hikayatin ang Sandiganbayan na ibasura ang kasong graft na isinampa laban sa kanya at kay dating city administrator Aldrin Cuña ng Office of the Ombudsman kaugnay sa P25.34 million solar power project na nilagdaan noong Hunyo 27, 2019, ilang araw lang bago ito bumaba sa puwesto.

Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang Urgent Omnibus Motion na inihain ni Bautista kung saan hiniling nito sa anti-graft court na ibasura ang kaso sa alternatibo.

Sa argumento ni Bautista, sinabi nitong ang information ay dapat na isinantabi dahil pagiging depektibo.

Dinagdag pa nito na ang katotohanan na sinasabing hindi isang kriminal na pagkakasala dahil ang mga ito ay “konklusyon lamang ng batas” ngunit nabigong ipaalam sa nasasakdal ang uri ng krimen na kanyang kaso.

Binanggit din ni Bautista na ang information ay walang tinukoy na anumang aksyon sa kanyang bahagi na magpapakita ng hayag na pagkiling, maliwanag na bad faith, o gross inexcusable negligence o anumang paratang na siya ay udyok ng malisya o mapanlinlang na layunin.

Ipinunto pa ng dating alkalde na ang kaso ay nakaangkla lamang sa alegasyon na inaprubahan nito ang pagpapalabas ng bayad sa contractor na Cygnet Energy at Power Asia Inc. kahit nabigo ang huli na makakuha ng net metering system mula sa Manila Electric Company (Meralco).

Sa halip aniya, iginiit nito na ang proyekto ay sumailalim sa public bidding bilang pagsunod sa Republic Act No. 9184 o ang Government Procurement Reform Act.

Gayunpaman, idineklara ng Sandiganbayan na sapat ang information dahil hinihiling lamang ng mga tuntunin na isaad ang tunay na katotohanan na bumubuo sa pagkakasala nang hindi nangangailangan ng mas pinong mga detalye kung paano o bakit ang mga iligal na gawain ay umabot sa hindi nararapat na pinsala.

“The issues raised by accused-movant Bautista cannot be considered in weighing the sufficiency of the subject Information. These focused on factual allegations that would require the presentation of evidence best fitted for a full-blown trial,” ayon pa sa anti-graft court.

Ang argumento ni Bautista na ang kanyang karapatan sa mabilis na disposisyon ng mga kaso ay nilabag ay nabigo rin na dinggin ng korte dahil idineklara nito na ang tatlong taon ay isang “makatwirang oras” para sa prosekusyon upang maingat na suriin ang reklamo at ang mga sumusuportang dokumento nito.

“Moreso, accused-movant Bautista failed to adequately demonstrate how the purported delay caused him prejudice as he solely focused on the length of time taken by the preliminary investigation,” sabi pa ng Sandiganbayan.

Una nang na-arraign si Bautista noong nakaraang Mayo 18, kung saan naghain ito ng not guilty sa isang hiwalay na kasong graft na kinasasangkutan ng P32.108 milyong kontrata na iginawad sa Geodata Solutions Inc. noong 2019 para mag-set up ng online occupational permitting at tracking system.

Leave a comment