
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si National Unity Party (NUP) president at Camarines Sur Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte ng pagkakaisa sa pagitan ng Kongreso at ng Ehekutibo.
Kasabay nito ay nagbabala ang kongresista na ang hindi pagkakasundo sa pulitika ay maglalagay lamang sa panganib sa napakahusay na antas ng kooperasyon at pagsisikap ng supermajority alliance sa Lehislatura na tumulong kay Pangulong Ferdinand”Bong Bong” Marcos Jr. na umunlad sa kanyang unang taon sa panunungkulan sa kanyang pananaw para sa isang maunlad at mapayapang Pilipinas
“Improving the lives of all Filipinos, as committed by President Marcos, is the priority in the House on the watch of Speaker Martin Romualdez, in lieu of divisive politics, hence the need for greater unity,” aniya.
Sinabi pa nito na ang higit na pagkakaisa ay mahalaga sa pagpapanatili ng malapit na pakikipag-ugnayan ng Palasyo ng Malacañan sa Kongreso, lalo na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ilalim ng pamumuno ng Romualdez at naipasa sa loob ng isang taon ang mayorya ng mga priority bills ni Pangulong Marcos na nilalayong ilagay sa kanyang ‘Agenda for Peace and Prosperity.’
“Lest we forget, 31 million Filipinos gave President Marcos the biggest ever electoral mandate in our history in 2022 after capturing their collective imagination with his call for national unity behind his Bangon Bayan Muli (BBM) pledge to lift all boats,” ani Villafuerte.
“Our nation’s leaders would break faith with this broad and deep public support for national unity were we to waste our time with vacuous political discord that could only break apart the supermajority coalition in both the House and the Senate—and wreak havoc on the ‘Agenda for Peace and Prosperity’ of President Marcos to improve the lives of all Filipinos,” dagdag pa nito.
Sinabi pa dating gobernador ng CamSur na sa Kamara, ang kultura ng pagkakaisa at pagsusumikap na itinataguyod ni Romualdez bilang suporta sa Pangulo at sa kanyang BBM vision para sa sustainable at inclusive growth para sa lahat ng Pilipino ay nagbigay-daan sa mas malaking obligasyon ng Kamara na maipasa ang maraming panukala sa first regular session ng 19th Congress, tulad ng 31 priority measures na inendorso ni Marcos para sa kagyat na pag-apruba ng lehislatura.
Sinabi pa ni Villafuerte na si Romualdez ay kahanga-hanga bilang Speaker ay nagproseso ng 9,600 na panukala sa first regular session na binubuo ng 8,490 na panukalang batas; 1,109 na mga resolusyon; at isang petisyon—at ipinasa ang 577 sa mga panukalang ito.
Sa ilalim aniya ng pamumuno ni Romualdez, nakapagproseso ang Kamara ng average na 30 legislative measures kada araw ng sesyon sa unang regular session, o ikasampung mas mataas kaysa sa output ng Kamara noong 18th Congress.
“Only through greater unity under Speaker Martin can we remain true to our commitment to President’s legislative agenda to improve the lives of all Filipinos,” sabi pa ni Villafuerte.
