South Cotabato at  Davao Occidental niyanig ng lindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang ilang lalawigan sa Mindanao kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa datos ng Phivolcs, dakong alas-8:07 ng Hunyo 6 nang tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa layong 004 km timog kanluran ng Santo Niño, South Cotabato na may lalim na 005 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity III sa Santo Niño, Banga, Norala, Lake Sebu, at sa lungsod ng Koronadal, South Cotabato at intensity II sa Surallah, at T’Boli, South Cotabato; Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Habang intensity I naman sa Bagumbayan, Esperanza, Isulan at Lambayong, Sultan Kudarat; Alamada, Cotabato.

Samantala, sa instrumental intensities ay naitala ang intensity IV sa Banga, South Cotabato at intensity III sa Norala, at lungsod ng Koronadal, South Cotabato.

Intensity II sa  Alamada, Cotabato at intensity I sa Kiamba, Sarangani; Tantangan, South Cotabato; Bagumbayan, at Esperanza, Sultan Kudarat.

Samantala, nilindol din ng magnitude 3.8 ang Davao Occidental dakong alas-11:14 ng gabi na natukoy sa layong 174 km timog silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental.

May lalim itong 001 km at tectonic ang origin.

Wala namang naitalang danyos sa nasabing magkahiwalay na paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment