Hindi lang si PNP Chief Acorda ang ginagamit ng Club Matrix kundi pati si Mayor Emi Calixto-Rubiano!

TAMA kayo sa nabasa n’yo!

Lumilitaw na hindi lang si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang ipinagmamalaki ng Club Matrix sa Pasay City, kundi pati si Mayora Emi Calixto-Rubiano.

Makikita iyan sa larawan sa artikulong ito kung saan ay nasa LED screen din ng Club Matrix ang mukha at pangalan ni Mayora Emi.

I-zoom n’yong maigi ang picture ni Mayora sa LED screen. Nakalagay du’n ang: “Congratulations Mayor Emi Calixto Rubiano, vice-president for NCR ng League of Cities of the Philippines.

Ganito halos din ang isa namang larawan at mensahe para kay PNP chief Acorda na nasa LED screen din ng Club Matrix.

“Congratulations to the newly appointed Chief of the Philippine National Police, PGen. Benjamin Acorda, Jr.,” pagbati ng Club Matrix sa magiting na ama ng ating pambansang kapulisan.

Sa unang tingin, walang masama sa mensahe na nakalagay para kina Gen. Acorda at Mayora Emi.

Ang problema, ang tunay na intensiyon dito ay hindi para batiin sila ng Club Matrix kundi para ipaalam sa publiko at mga awtoridad na ‘untouchable’ ang nasa putahan na front ng high end prostitution.

Iyong ipinagsisigawan ng Club Matrix sa publiko na ‘super close’ nila sina Gen. Acorda at Mayora Emi.

Tulad ng nasabi ko, front ng prostitusyon ang Club Matrix. Ibinebenta rito ang mga menor de edad na kababaihan.

Mayroon din dito na mga Russian girls, Vietnamese at China girls na puwedeng i-take out sa halagang P30,000 hanggang P50,000.

Bukod dito, matindi ang Marites sa Pasay na dito madalas naglulungga ang mga suspected Chinese drug lords at mga police at NBI officials na nagbibigay proteksiyon sa kanila.

Ngayon, para maalis ang agam-agam ng publiko na hindi binibigyang proteksiyon nina Gen. Acorda at Mayora Emi ang Club Matrix, ipasalakay nila ito agad-agad as in Now Na!

Isama nila ang Bureau of Immigration (BI) kasi karamihan din sa mga bigtime Chinese na parokyano rito ay pawang mga illegal alien!

Isa-isahing i-check ang edad ng mga kababaihang nagtatrabaho sa mga ito, tingnan ang kani-kanilang health at working permit!

Pati ang ‘building’ and ‘sanitary permit’ ng Club Matrix ay sinasabing bagsak sa reglamento ng ‘building code.’

Walang sapat na fire exit at maganda ring ma-check kung tama o hindi ba nila dinadaya ang kanilang metro sa kuryente.

Mahalagang makita rin ng DENR, LLDA at Pasay City Hall ang ‘water treatment facilities’ ng putahang ito dahil, base sa report, madalas ay nagbabara at lumulutang sa ilog papuntang Manila Bay ang mga basura na galing sa Club Matrix.

Kasama sa basurang ito ang mga kaha ng sigarilyo ng Chinese at mga gamit na condom!

Kadiri ‘di ba?

Sa kasalukuyan, antayin natin ang magiging tugon at aksiyon ng tanggapean ni PNP chief Acorda at Mayora Emi.

Abangan!


Para sa anumang reaksyon, suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 09157412674.

Leave a comment