Pagganda ng ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagkakaisa ng Executive at Legislative — Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Ikinatuwa ni Ferdinand Martin G. Romualdez ang pinakabagong forecast ng World Bank na nagsasaad na ang ekonomiya ng Pilipinas ay nakahanda nang lumawak nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ngayong taon.

Binanggit ni Romualdez na ang nagkakaisang pagsisikap ng mga sangay ng Ehekutibo at Lehislatura ng pamahalaan bilang isang pangunahing dahilan sa paglakas ng ekonomiya ng bansa.

Ayon sa World Bank, ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ay inaasahang lalago ng 6.0 porsyento ngayong taon, na patataasin ang dating pagtataya na 5.4 porsyento noong Disyembre sa 5.6 porsyento noong Abril.

“This upgraded forecast reinforces the positive trajectory of the Philippine economy and demonstrates that we are on the right track towards recovery and progress. It is a testament to the resilience of our people, the dynamism of our businesses, and the stability of our economic fundamentals,” sabi ni Romualdez.

“The comprehensive and inclusive economic agenda of the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr., as well as the collaborative efforts between the Executive and Legislative branches, have proven fruitful in fostering an environment conducive to growth,” dagdag pa nito.

Pinuri rin ni Romualdez ang mga kolektibong pagsisikap ng economic managers, mga mambabatas, at lahat ng mga stakeholders na nag-ambag sa positibong pag-unlad na ito.

Gayundin, muling iginiit nito na ang Kamara ay nananatiling nakatutok sa pagpasa ng mga kinakailangang lehislasyon na naglalayong palakasin ang momentum ng paglago ng ekonomiya ng bansa para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

“As the House amply demonstrated, we remain committed to implementing policies that will further stimulate economic activity, attract investments, and generate employment opportunities for our fellow Filipinos,” Speaker ayon pa kay Romualdez.

“We will not allow any distraction to derail our efforts at finding appropriate and timely solutions to the problems affecting the lives of our people,” saad pa nito.

Ang Kamara ay nagtala ng isang malakas na pagtatapos habang isinara nito ang First Regular Session ng 19th Congress, na naaprubahan ang 33 sa 42 na panukalang batas na nakalista bilang priority measures ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at pinagtibay ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).

Bukod dito, sa pamamagitan ng pangangasiwa ni Romualdez, ang mas malaking Kamara ay nakapagproseso ng kabuuang 9,600 panukala na binubuo ng 8,490 House bills, 1,109 na resolusyon at isang petisyon.

Leave a comment