
Ni NOEL ABUEL
Iginiit ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez sa gobyerno ng China na utusan ang mga Navy, Coast Guard at/o militia vessel nito na lisanin na ang 200 milyang exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ginawa ng mambabatas sa Mindanao ang apela kasunod ng pag-alis ng research ship ng China na Xiang Yang Hong 10 at ang dosenang escort vessel nito mula sa EEZ ng Vietnam noong unang bahagi ng linggo sa gitna ng mataas na antas ng pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng China at United States sa Beijing.
Iprinotesta ng Vietnam ang pananatili ng China sa kanilang EEZ.
“I don’t know what prompted the Chinese to leave Vietnam’s territorial waters, whether it was the Vietnamese protest or the US-China talks. But whatever it was, if they left Vietnam’s EEZ, they should also leave our exclusive economic zone,” anj Rodriguez.
Sinabi nito na walang bansa, malaki o maliit, dapat isipin ang karapatang pumasok sa EEZ ng ibang bansa.
“The Chinese have no business staying in waters, shoals and islets that belong to us under international law,” aniya pa.
Noong nakaraang buwan, iniulat ng Philippine Coast Guard na mahigit 100 Chinese Coast Guard at militia vessels ang nananatili sa Ayungin Shoal at Juan Felipe Reef sa labas ng Palawan.
Ang Ayungin Shoal ay kung saan pinananatili ng Pilipinas ang isang maliit na platoon ng mga sundalo bilang simbolo ng soberanya nito sa lugar kung saan ang mga barko ng Chinese Coast Guard ay regular na iniikutan ang mga barko ng Pilipinas at maliliit na bangka n nagsu-supply sa mga tropa.
“Ayungin and Juan Felipe Reef are well within our 200-mile EEZ, the shoal being about 120 miles and the reef around 175 miles from Palawan. Those are more than 800 miles from the nearest Chinese island. China should abandon those areas,” giit pa ni Rodriguez.
Dapat din aniyang lisanin ng mga Chinese ang Scarborough Shoal, na 120 milya mula sa Zambales at Pangasinan.
Pinuri rin ni Rodriguez ang pahayag ng bagong Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa “kung ano ang atin ay atin.”
“It’s a very courageous declaration. I hope that we can walk the talk,” sabi pa ng mambabatas.
