
Ni NERIO AGUAS
Nagpalabas ng abiso ang Bureau of Immigration (BI) sa mga papaalis na pasahero na maglaan ng mahabang oras sa pagpunta sa paliparan upang maiwasan na maiwan ng eroplano.
Sa inilabas na kalatas ng BI, ang mga pasahero ay hinihiling na suriin nang hindi bababa sa 3 oras bago ang kanilang paglipad at sumailalim sa inspeksyon sa immigration counters.
Ang mga manlalakbay ay dapat na dumating nang mas maaga kaysa sa 3 oras kung nais nitong magamit ang iba pang mga pasilidad ng paliparan.
“There is an expected increase in the number of passengers this month, as more and more people are traveling post-covid,” sabi ng BI.
“Apart from this, the eventual transfer of passengers from NAIA Terminal 2 to other terminals will definitely add to the bulk of travelers,” dagdag pa nito.
Nabatid na ang bawat immigration officer ay nagpoproseso ng 247 pasahero kada 10-hour shift.
“Unlike airports in other countries, our current facilities are more limited. Hence we are thankful to airport authorities for their commitment to increase the space at the immigration area for us to be able to deploy more passengers,” ayon pa sa BI.
Patuloy pa rin na kumukuha ng mga bagong tauhan ang BI para sa deployment para sa iba pang mga international airport na maaaring magbukas o lumawak.
