Mayon volcano patuloy na nagbabanta sa pagsabog

Ni MJ SULLIVAN

Patuloy na nagbabanta ng pagsabog ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy na senyales na nag-aalboroto ito.

Sa loob ng 24-oras na pagmamanman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ng 1 volcanic earthquake at 55 rockfall events base sa seismic and visual observations.

Ang rockfall events ay naglagay ng lava debris sa bahagi ng timog at timog-silangan sa loob ng isang libo limang daang (1500) metro mula sa bunganga ng summit.

Ang manipis na abo mula sa mga rock falls at ang tuluy-tuloy na moderate degassing mula sa summit crater ay nagbunga ng steam-laden pababa o at gumagapang pababa ng dalisdis bago tinangay sa bahagi ng timog-silangan.

“Fair crater glow or “banaag” and incandescent rockfall shed from new fluidal lava at the summit of Mayon Volcano was also observed last night. Sulfur dioxide (SO2) emission was last measured at an average of 417 tonnes/day on 09 June 2023. Short-term observations from EDM and electronic tiltmeter monitoring show the upper slopes to be inflating since February 2023. Longer-term ground deformation parameters based on EDM, precise leveling, continuous GPS, and electronic tilt monitoring indicate that Mayon is still inflated, especially on the northwest and southeast,” ayon sa Phivolcs.

Nananatili ang Alert Level 3 sa paligid ng Mayon Volcano na nagpapakita ng abnormalidad at mataas na antas ng paggalaw ng magma sa crater at may posibilidad na magkaroon ng hazardous eruption sa mga susunod na araw o linggo.

Pinayuhan din ng Phivolcs ang mga nakatira malapit sa 6-km radius Permanent Danger Zone (PDZ) na lumikas na dahil sa pangamba na rumagasa ang PDCs, lava flows, rockfalls at iba pang volcanic hazards.

Dapat ding magbantay sa pyroclastic density currents, lahar at sediment-laden streamflows Lalo na at malaki ang nagiging epekto ng pag-ulan.

Muli ring nagbabala ang Phivolcs sa civil aviation authorities na payuhan ang lahat ng piloto na umiwas na lumipad malapit sa bulkan.

“DOST-PHIVOLCS maintains close monitoring of Mayon Volcano and any new development will be communicated to all concerned stakeholders,” sabi pa nito.

Leave a comment