Taal volcano patuloy na binabantayan ng Phivolcs

File photo

Ni MJ SULLIVAN

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng isang 1 volcanic tremor at 2941 tonelada ng sulfur dioxide flux mula Hunyo 8.

Nakita rin ang pagbuga ng usok sa 3,000 metro ang taas at napadpad sa timog-timog-silangan at silangan at may naobserbahang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake na nagdulot ng VOG.

Sa ground deformation, nakita ang panandaliang pamamaga sa hilagang kanlurang bahagi ng Taal.

Kaugnay nito pinagbabawalan ang pagpasok sa Taal Volcano Island lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal.

Pinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Babala pa ng Phivolcs na maaaring maganap ang mga biglaang pagputok ng steam o phreatic explosionsv, volcanic earthquakes, manipis na ashfall at pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.

Sa kasalukuyan ay nakataas sa alert level 1 ang alerto sa Taal volcano na may bahagyang aktibidad.

Leave a comment