P33M cash at in-kind assistance ibinigay ni Romualdez at Tingog party list sa Albay

Relief goods para sa Albay: Nakahanda na ang relief goods na ipapamahagi sa mga naapektuhan ng Mayon volcano. Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ang paglalaan ng P33M tulong sa Albay.

 

Ni NOEL ABUEL

Nagbigay ng tulong pinansyal si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog party list sa mga naapektuhan ng pag-aalboroto ng Mayon volcano.

Kabuuang P33 milyong halaga ng tulong sa lalawigan ng Albay na in cash at in kind sa gitna ng ipinakikitang abnormalidad ng Bulkang Mayon na nagpalikas sa mga residenteng naninirahan sa 6-km permanent danger zone.

Nabatid na sina Romualdez at Tingog party list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre na P1 milyong halaga ng tulong ang ibinigay sa tatlong distrito ng Albay na hinati sa P.5M cash at P.5M na relief packs na nanggaling sa personal disaster response fund ng una.

Kabilang dito ang 1st District na kinakatawan ni Rep. Edcel Lagman; 2nd District ni Rep. Joey Salceda; at 3rd District ni Rep. Fernando Cabredo kung saan ang tulong ay mula sa tanggapan ni Speaker Romualdez mula sa mga tanggapan ng mga kongresista.

“The members of the House are one with the people of Albay during this challenging time. Mayon Volcano’s eruption is something that we cannot stop, but so is showing malasakit to our countrymen when difficulties arise. Together, we will ride out this calamity,” sabi ni Romualdez, kinatawan ng 1st District ng Leyte.

Daan-daang volunteers ang dumagsa sa madaling-araw sa PureGold-Embarkadero sa Legazpi, Albay upang tumulong sa pag-repack at paghahanda ng relief goods para ipamahagi sa mga naapektuhan ng bulkan kung saan nasa1,420 relief packs ang dinala sa mga distrito para ibigay.

Nakipag-unayan din si Romualdez kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian nagpalabas ng P10 milyong halaga ng tulong sa bawat distrito sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.

“We expect this assistance from the DSWD, along with our humble contribution, to ease the worries that our kababayans in Albay may have for the immediate future. Nakahanda po kaming tumugon sa mga pangangailangan ninyo, kahit na magtagal ang kalamidad na ito,” sabi ni Romualdez.

Idinagdag pa ng lider ng Kamara na ang P.5M cash assistance ay ibinigay sa araw ng Lunes sa tatlong nasabing distrito.

Leave a comment