32 taong anibersaryo ng Mt. Pinatubo eruption

NI RHENZ SALONGA
Nagpalabas ng abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na sarado ang Consular Office (CO) at Temporary Offsite Passport Service (TOPS) sa Angeles City, Pampanga sa darating na Hunyo 15, 2023.
Sa inilabas na kalatas ng DFA, sinabi nitong idineklara ng pamahalaan na special non-working holiday ang Hunyo 15 sa lungsod ng Angeles, Pampanga sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 224 na may petsang Mayo 16, 2023 ng Office of the President.
Nabatid na Hunyo 15 ay bilang pag-alala at ika-32 taong anibersaryo ng pagputok ng Mt. Pinatubo.
Balik sa regular work ng consular operations and services sa araw ng Biyernes, Hunyo 16, 2023.
Ang mga aplikante na may katanungan ay maaaring makipag-ugnayan sa angeles.coclientconcerns@dfa.gov.ph.
