Mayon volcano pansamantalang nananahimik — Phivolcs

File photo

NI MJ SULLIVAN

Pansamantalang nananahimik ang aktibidades sa Mayon Volcano na senyales na walang nakikitang posibleng pagsabog nito.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tanging 1 volcanic earthquake at 221 rockfall events ang naitala sa loob ng 24-oras na pagmo-monitor sa galaw ng bulkang Mayon.

Ayon sa Phivolcs, mula Hunyo 12 hanggang Hunyo 13 ay patuloy na nababawasan ang naitatalang volcanic earthquakes habang ang  rockfall events ay patuloy na ring nababawasan ang naitatala.

Ngunit nilinaw ng Phivolcs na hindi pa rin nakasisiguro ang lahat na hindi na tuluyan nang nanahimik ang bulkang Mayon dahil sa may posibilidad pa rin na mag-alboroto ito.

“Hindi naman. Bumaba lang ‘yung mga parameters natin pero the parameters only declined but it’s still too early to say. That’s the reason why we have to look at this on a day-to-day basis,” sabi ni Phivolcs director Teresito Bacolcol.

“It’s an effusive eruption—malumanay na pag-agos ng lava doon sa paanan ng bulkan o sa flanks ng volcano [a mild flow of lava at the foot or on the flanks of the volcano],” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan ay makikita pa rin ang nangyayari sa bunganga ng Mayon volcano tulad ng paglabas ng usok o sulphur dioxide.

Pinaalala rin ng Phivolcs sa publiko ang pagbabawal na pumasok sa 6-kilometer radius sa Mayon Volcano’s Permanent Danger Zone (PDZ).

“Hazards such as rockfalls, landslides, avalanches, ballistic fragments, lava flows and lava fountaining, pyroclastic density currents, moderate-sized explosions, and lahars during heavy and prolonged rainfall may also occur,” ayon sa Phivolcs.

Leave a comment