Occidental Mindoro at Davao Occidental niyanig ng malakas na paglindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkasunod na malakas na paglindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro at Davao Occidental, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa datos ng Phivolcs, dakong alas-8:57 ng Martes ng gabi nang tumama ang magnitude 4.8 sa layong 046 km hilagang kanluran ng Lubang, Occidental Mindoro at may lalim itong 020 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity II sa Quezon City at intensity naman sa Pasig City.

Samantala, sa instrumental intensities ay naramdaman ang intensity I sa lungsod ng Tagaytay, Cavite; lungsod ng  Calapan, Oriental Mindoro.

Muling niyanig ng magnitude 1.8 ang nasabing lalawigan ganap na alas-9:39 ng gabi sa layong  035 km hilagang kanluran ng Lubang, Occidental Mindoro.

Ganap namang alas-2:49 kanilang madaling-araw nang tumama ang magnitude 4.2 na lindol sa layong  017 km timog silangan ng Don Marcelino, Davao Occidental.

Natukoy ang sentro nito sa layong 030 km at ang origin ay tectonic.

Naramdaman ang intensity IV sa Don Marcelino, at Malita, Davao Occidental.

Sa instrumental intensities ay intensity IV sa Don Marcelino, Davao Occidental at intensity II sa Jose Abad Santos, Davao Occidental; Malungon, Sarangani.

Isinusulat ang balitang ito ay wala pang ulat kung may nasirang gusali at iba pang imprastraktura dahil sa paglindol.

Leave a comment