

Nina MJ SULLIVAN at JOY MADELIENE
Nabulabog ang daan-daang indibiduwal at empleyado ng pamahalaan at ng pribadong kumpanya makaraang yanigin ng malakas na paglindol ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-10:19 ngayong umaga nang tumama ang magnitude 6.3 na lindol.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 015 km timog kanluran ng Calatagan, Batangas na may lalim na 119 km at tectonic ang origin.
Naramdaman ang intensity IV sa mga lungsod ng Maynila; lungsod ng Mandaluyong; Quezon City; lungsod ng Valenzuela; lungsod ng Malolos, Bulacan; Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu, at Talisay, Batangas; lungsod ng Dasmariñas, at lungsod ng Tagaytay, Cavite at Tanay, Rizal
Intensity III naman sa Pateros; Las Pinas City; Makati City; Marikina City; Paranaque City; Pasig City; Obando, Bulacan; Laurel, Batangas; Bacoor City; Imus City, Cavite; San Pablo City; San Pedro City, Laguna at San Mateo, Rizal.Habang intensity II – sa Caloocan City; San Juan City; Muntinlupa City; San Fernando City, La Union; Alaminos City, at Bolinao, Pangasinan; Santa Maria, Bulacan at Bamban, Tarlac. Intensity I naman sa San Jose Del Monte City, Bulacan.
Sa instrumental intensities, naramdaman ang intensity IV sa Abucay, Bataan; Lemery, Batangas; Malolos City, at San Ildefonso, Bulacan; Magallanes, Tagaytay City, Cavite; San Jose, Occidental Mindoro; Calapan City, at Puerto Galera, Oriental Mindoro; San Antonio, Olongapo City, Cabangan, Zambales.
Intensity III naman sa Dinalupihan, Mariveles, Bataan; Batangas City, Sta. Teresita, Cuenca, Bauan, Talisay, Laurel, at San Luis, Batangas; Paombong, Guiguinto, Marilao, at Pulilan, Bulacan; Bacoor City, Carmona, Ternate, Naic, Cavite; Las Pinas, Malabon City, Pasig City, Metro Manila; Cabanatuan City, Nueva Ecija; Abra De Ilog, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro; Guagua, Pampanga; Mauban, Quezon at Tanay, Rizal; San Marcelino, Subic, Zambales .
At intensity II pa sa Baler, Aurora; Rosario, Malvar, Batangas; Angat, Obando, Norzagaray, Santa Maria, Bulacan; Calamba, at San Pablo, Laguna; San Juan City, Pasay, at Quezon City; San Antonio, Nueva Ecija; Victoria, Occidental Mindoro; San Fernando, Pampanga; Bani, at Infanta, Pangasinan; Tayabas, Infanta, Lopez, Dolores, at Alabat, Quezon; Bamban, Tarlac.
Habang intensity I sa Paranaque City; San Jose, Gabaldon, at Bongabon, Nueva Ecija; Magalang, Pampanga; Lingayen, Bolinao, at Urdaneta, Pangasinan; Mulanay, Lucena City, at Gumaca, Quezon; Taytay, Antipolo, at Angono, Rizal; Santa Ignacia, Ramos, at Tarlac City, Tarlac.
Isinusulat ang balitang ito ay wala pang naiuulat na naging epekto ang lindol kung saan inaasahan din ang aftershocks sa mga susunod na oras o araw.
May mga ulat namang may nahilo at nawalan ng malay tao sa mga eskuwelahan at mga opisina na agad namang nalunasan.
