
NI MJ SULLIVAN
Sa kabila ng unti-unting paghina at epekto ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat ay magpapatuloy pa ring makakaranas ng maulap na papawirin at pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Sa abiso ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), asahan na makakaranas ng pag-ulan na may kasamang pagkulog pagkidlat sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon.
Samantala, kalat-kalat na malakas na pag-ulan din ang mararanasan sa buong Central at Western Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, at Palawan dahil sa intertropical convergence zone (ICTZ).
Ang Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte at Ilocos Sur ay apektado ng habagat na magdadala ng maulap na papawirin hanggang sa kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat na maaaring magdulot ng pagbaha, at pagguho ng lupa.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan at pagkulog dahil sa habagat at localized thunderstorm na maaaring pagpabaha, at pagguho ng lupa.
