Quezon niyanig ng 3 magkakasunod na paglindol

NI MJ SULLIVAN

Niyanig ng magkakasunod na paglindol ang lalawigan ng Quezon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa datos ng Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.5 na lindol ganap na alas-11:40 ng umaga sa layong 049 km hilagang silangan ng Jomalig, Quezon na may lalim na 007 km at tectonic ang origin.

Naitala sa instrumental intensities ang intensity II sa Polillo, Quezon at intensity I sa Daet, Camarines Norte.

Ganap namang alas-11:48 ng umaga nang muling yanigin ng magnitude 3 ang Jomaig, Quezon na ang sentro ay nasa 042 km hilagang silangan ng nasabing lugar.

May lalim itong 008 km at tectonic din ang origin.

Makalipas ang ilang minuto o alas-11:51 ng umaga nang maitala ang magnitude 1.8 na lindol sa nasabi ring lugar.

Wala namang iniulat na naging epekto ang tatlong lindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment