Pilipinas napanatili ang Tier 1 status — US report

Ni NERIO AGUAS

Muling kinilala ng Estados Unidos ang Pilipinas sa patuloy na paglaban sa nangyaring human trafficking sa bansa.

Nabatid na napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 status sa loob ng 8 sunod na taon sa US State Department’s 2023 Trafficking in Persons Report.

Ang BI, na aktibong miyembro ng DOJ-led Inter-Agency Council against Trafficking (IACAT), ay may mahalagang papel sa pagpapalakas sa pagsisikap na protektahan ang mga Pilipino sa ibang bansa mula sa banta ng human trafficking at pagsasamantala sa paggawa sa ibang bansa.

“The Bureau of Immigration remains steadfast in its commitment to fighting this crime and ensuring the safety and well-being of our citizens abroad,” ayon sa BI.

Kinikilala ng ulat ang seryoso at patuloy na pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa paglaban sa human trafficking, sa gitna ng mga hamon na dulot ng pandemya ng COVID-19.

Ang Tier 1 ranking ang pinakamataas na klasipikasyon na ibinibigay ng US State Department, na nagsasaad na ang isang bansa ay nakakasunod sa minimum standards na paglaban sa human trafficking at aktibong paglaban dito at pagpaparusa sa mga sangkot dito.

Sa mga nakalipas na taon, pinaigting ng BI ang pakikipagtulungan nito sa mga ahensya at mga international partners upang labanan ang trafficking.

Sa pamamagitan ng IACAT, ang kawanihan ay malapit na nakikipagtulungan sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas, mga non-governmental organization (NGOs) at iba pang mga stakeholders upang bumalangkas at magpatupad ng komprehensibong diskarte sa anti-trafficking.

Kamakailan, ang BI ang unang nagtaas ng alarma nito laban sa human trafficking scheme na bumiktima sa mga Pilipino, na nangengganyo sa kanila na magtrabaho sa mga pseudo-call center sa ibang bansa, para lang mabiktima ng human trafficking sa isang crypto scam ring.

“This citation is a result of the joint effort of all members of the IACAT, which has been very active in combatting trafficking in all fronts,” Tansingco said. “Despite the challenges, we will remain vigilant against new forms of trafficking targeting vulnerable Filipinos,” ayon pa sa BI.

Kasama ng Pilipinas sa Tier 1 ang Australia, Canada, France, Singapore, United Kingdom, at USA.

Leave a comment