Tingog party-list, Speaker Romualdez, sumaklolo sa mga nasunugan sa Ormoc

Ni NOEL ABUEL

Agad na sumaklolo sa mga biktima ng malaking sunog ang TINGOG party-list at tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na namahagi ng tulong sa Ormoc City.

Nakatanggap ng kulambo, tsinelas, tuwalya, toiletries at iba pang pangangailangan ang nasa 346 na indibidwal o 72 pamilya mula sa animnapu’t limang kabahayan mula sa resettlement village sa Brgy. Danao.

Nabatid na nangyari ang sunog noong nakalipas na araw ng Huwebes ng gabi, isang araw bago ang kapistahan sa naturang barangay.

Ang naturang mga benepisyaryo ay naging biktima na rin ng lindol noong Hulyo 2017 na tumama sa Ormoc City at kalapit-bayan na kumitil sa dalawang buhay at nag-iwan ng milyong pisong halaga ng pinsala sa imprastraktura.

Nagpahatid naman ng pasasalamat si Brgy. Chairman Richard Impas sa tulong na ipinagkaloob ng Tingog at ni Speaker Romualdez.

Leave a comment