

Ni NOEL ABUEL
Pinuri nina Mandaluyong City Rep. Neptali “Boyet” Gonzales II at Quezon City Rep. Patrick Michael “PM” Vargas si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog party list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre sa ibinigay na tulong sa mga biktima ng magkahiwalay na sunog sa nasabing mga lungsod.
“On behalf of the families affected by the fire in Mandaluyong, we express our sincerest gratitude to Speaker Romualdez and Tingog party list for extending financial aid at a time that it is most needed. Please bear in mind that this act of love and compassion will not be forgotten,” ani Gonzales.
Sinabi naman ni Vargas na ang mga pamilyang nabigyan ng tulong pinansyal ay talagang magagamit ang nasabing pondo upang makatulong sa pagpapagaan ng kanilang sitwasyon at muling pagbangon.
ang mga bahay na nawala sa sunog.
“Thanks to Speaker Romualdez and Tingog party list, these families can get back on their feet and rebuild what was lost. We are very thankful for this grand gesture. It gives hope to the people,” ayon pa kay Vargas.
Nabatid na ang pamamahagi ng relief goods at pagpapalabas ng tulong pinansyal ay ipinagkaloob sa may 331 pamilya na biktima ng dalawang insidente ng sunog na tumama sa magkahiwalay na lokasyon sa lungsod ng Quezon at Mandaluyong.
Ang tulong pinansyal ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations Program (AICS) ng Department of Social Welfare at Development (DSWD) ni Sec. Rex Gatchalian at ibinigay sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog na tumama sa Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City at Barangay Bagbag sa Quezon City noong Hunyo 14 at 15.
“The financial aid is part of a government program given to distressed individuals. I hope this small amount from the DSWD can help ease the pain of the families who lost their homes to these fire incidents,” sabi ni Romualdez.
Ang pinansyal na tulong na tig-P10,000 bawat isa ay ibinigay sa 206 na pamilya na nawalan ng tirahan sa sunog na tumupok sa isang residential area sa kahabaan ng Pascual Street sa Barangay Bagbag, Quezon City sa isang simpleng payout ceremony sa Remarville Basketball Court noong Sabado.
Ganito ring halaga ng tulong pinansyal ang ibinigay rin sa bawat isa sa 125 pamilyang naapektuhan ng sunog na tumupok sa isang residential area sa F. Martinez, Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City.
Umabot sa kabuuang P3.31 milyon ang pinansyal na tulong na ipinamahagi sa mga biktima ng magkahiwalay na sunog.
Nakatanggap din ang mga biktima ng sunog sa Mandaluyong ng relief goods na karamihan ay nasa temporary shelter sa Tanglaw Covered Court sa Block 19-A.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Acidre ang matatag na komunidad sa Brgy. Addition Hills at tiniyak sa kanila ang walang katapusang suporta ng Tingog party list, maaaring sa Eastern Visayas o sa National Capital Region (NCR).
Ang Offices of the Speaker at Tingog party list ay nagbigay rin ng mga relief goods sa mga nasasakupan ni Vargas na ipinamahagi sa lahat ng mga biktima na kasalukuyang sumilong sa Remarville Basketball Court.
Pinuri rin at nagpasalamat kina Speaker Romualdez at Rep. Romualdez at Acidre si Brgy. Bagbag Captain Rex Ambita sa ibinigay na tulong ng mga ito.
