Dati at kasalukuyang senador nagsama-sama sa necrological service ni ex-Senator Biazon

NI NOEL ABUEL

Nagsama-sama ang mga kasalukuyan at dating senador sa necrological service ni dating Senador Rodolfo Pong” Biazon na isinagawa sa Senado.

Si Senate Pro-Tempore Loren Legarda ang sumalubong sa labi at pamilya ni Biazon dakong alas-9:00 ng umaga kung saan kasama sa mga dumating sina dating Senate President Vicente Sotto III, dating Minority Leader Franklin Drilon, dating Senador Gringo Honasan II, at dating Senador Joey Lina.

Habang sa panig naman ng mga kasalukuyang senador ay sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Senador Robinhood Padilla, Senador Jinggoy Estrada, at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Sa kanyang pahayag, isinalarawan ni Sotto si Biazon na isang mahusay na sundalo at mambabatas at tagapagtanggol ng demokrasya at isang family man.

“He is truly a dynamic, multifaceted individual, and a family man, an excellent soldier an extraordinary legislator, freedom fighter and defender of democracy,” sabi ni Sotto.

Saludo naman ang ipinakita ni Honasan sa kapwa nito naging sundalo at naging senador na si Biazon.

“We realized that 24/7 is not enough for Biazon to explain and share what was in his heart and mind as a soldier who perpetually dreams of peace, unity, and the prosperity that we deserve,”  sabi nito.

Ayon naman kay Drilon, maaalala si Biazon bilang isang indibiduwal na binabalewala ang mga hamon laban dito.

“Biazon will always be remembered as someone who defied all colossal challenges life has thrown at him. We are forever grateful for your contributions to our nation. Your legacy will continue to live in our hearts not only of your love ones and the people who have known you but also in the hearts of freedom loving Filipinos,” aniya pa.

Ayon naman kay Estrada, naalala nito noong unang makilala si Biazon noong 1998 presidential campaign period sa panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Joseph Estrada kung saan unang naupo sa Senado ang bilang fresh term senator at pang-anim sa senatorial race.

“By the time I was elected as a senator in 2004, I had the privilege of working alongside Sen. Pong and witnessing his tireless efforts and dedication in championing every bill and fighting for every cause. Beyond the titles and the accolades, he was a true servant of the people. Throughout his tenure as a senator, Sen. Pong was guided by a moral compass that demanded accountability, transparency, and fairness. He believed in the power of unity and collaboration, forging alliances and crossing party lines to achieve meaningful progress for our nation,” pahayag pa ni Estrada.

Samantala, sinabi ni Padilla na nanghihinayang ito nang hindi matuloy ang pagganap nito bilang Lt. Rodolfo Biazon noong aktibong artista pa ito para gampanan ang katauhan ng dating senador sa pelikula.

“Naalala ko pa po ang panahon na ‘yan sapagka’t nagkaroon po ng kaunting dramatic na eksena sa Viva dahil nang inalok nila ang pelikula, katatapos namin gawin ang Mistah, ito po ang isa sa pelikulang nagpakita ng kabayanihan ng ating mga kasundaluhan sa Mindanao. Noong dumating ako sa Viva, sinabi po nila istorya ni Gen Biazon. Ako po ay naurungan noong panahong ‘yan dahil ako ay kabilang sa grupo ng aking leader na si Col. Gregorio Honasan. Ako po noong panahong ‘yan ay RAM kaya sabi ko po sa Viva, kay Boss Vic, baka di ko magawa ang pelikulang ito,” sabi nito.  

Leave a comment