
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Surigao del Norte kaninang madaling-araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa datos ng Phivolcs, dakong ala-1:33 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 5. 2 na lindol na ang sentro ay nasa layong 061 km hilagang silangan ng Burgos, Surigao Del Norte.
May lalim itong 025 km at tectonic ang origin.
Naramdaman sa pamamagitan ng instrumental intensities ang intensity III sa Hinunangan, Southern Leyte at intensity II sa lungsod ng Surigao, Surigao Del Norte.
Habang intensity I sa Dulag, Leyte; syudad ng Borongan, at Quinapondan, Eastern Samar.
Wala namang inaasahang epekto ang nasabing lindol sa mga imprastratura at kalsada subalit nagbabala ang Phivolcs na maaaring magkaroon ng aftershocks sa mga susunod na oras o araw.
