
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkasunod ng paglindol ang lalawigan ng Davao Oriental at Davao Occidental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-12:17 ng madaling-araw nang unang maitala ang magnitude 4.5 na lindol na ang sentro ay nakita sa layong 166 km timog silangan ng Jose Abad Santos,Davao Occidental.
May lalim itong 007 km at tectonic ang origin.
Ganap namang alas-5:16 ng madaling-araw nang masundan ang paglindol sa lakas na magnitude 4.9 na ang sentro ay nakita sa layong 452 km timog silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 188 km at tectonic ang origin.
Alas-9:45 naman ngayong umaga nang yanigin din ng lindol ang Davao Oriental.
Naitala ang magnitude 4.2 na lindol sa layong 104 km timog silangan ng Governor Generoso,
Davao Oriental at may lalim na 056 km at tectonic ang origin.
Sa instrumental intensity, naramdaman ang intensity I sa Kiamba, Sarangani.
Wala namang naitalang danyos ang nasabing mga paglindol sa Davao region at wala ring inaasahang aftershocks sa susunod na araw.
