
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng mas maraming proyekto sa pamamagitan ng public-private partnership, na sinasabing ito ang susi sa modernisasyon ng mga imprastraktura ng bansa na kinakailangan upang ihatid ang pag-unlad at iangat ang buhay ng taumbayan.
Ang panawagan ni Romualdez sa mensahe sa groundbreaking rites para sa Third Candaba Viaduct project ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC) at NLEx Corp. na ginanap sa Brgy. Dulong Malabon sa Pulilan, Bulacan.
Target na makumpleto sa Nobyembre 2024, palalawakin ng proyekto ang umiiral na istraktura ng viaduct sa pamamagitan ng pagdaragdag ng inner at outer shoulder sa tatlong linya sa bawat direksyon at inaasahang tataas ang bilis ng paglalakbay mula sa kasalukuyang 40-60 kph hanggang 60-80 kph.
“The Candaba Third Viaduct serves as a symbol of the fruitful partnership between the government and the private sector. It is a testament to what we can achieve when we work together towards a common goal,” aniya pa.
Ipinahayag nito ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang walang tigil na suporta sa pagpapaunlad ng imprastraktura ng bansa.
“Under his visionary leadership, we have witnessed a renewed commitment to the Build Build Build program, which aims to propel our nation towards progress and inclusive growth,” ayon pa sa lider ng Kamara.
Binanggit din nito ang walang humpay na pagtulak ng mga kongresista mula sa Pampanga sa 19th Congress, kabilang sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, at Reps. Jon Lazatin at Anna York Bondoc, gayundin ang pagtutulungan ng lokal na opisyal ng gobyerno ng Bulacan at Pampanga, na tumulong upang maisakatuparan ang proyekto sa lalong madaling panahon.
Sinabi ni Romualdez na ang Candaba Viaduct, na nagsisilbing isang strategic expressway link na nagdudugtong sa Metro Manila at sa Central at North Luzon corridor sa loob ng ilang dekada, ay may mahalagang papel sa pagpapadali sa paggalaw ng mga tao, mga kalakal, at mga serbisyo.
“However, as our population grows and our economy expands, it is imperative that we invest in the modernization and expansion of our infrastructure,” giit nito.
Itinayo noong dekada 70, ang 5-km na viaduct ay tumatawid sa Candaba Swamp at nag-uugnay sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.
Sa una ay itinayo na may 2 x 2 configuration o dalawang lane para sa bawat direksyon, ginawa itong 2 x 3 noong 2017 upang i-maximize ang kapasidad nito at ngayon ay nagsisilbi sa tinatayang 80,000 motorista araw-araw.
“The construction of the Candaba Third Viaduct is a testament to our collective commitment to meet these growing demands head-on. This project, with the support of President Bongbong Marcos, is a significant component of the government’s Build Build Build program,” ayon pa kay Romualdez.
“It exemplifies our determination to enhance connectivity, promote economic development, and uplift the lives of our people,” dagdag pa nito.
Binanggit nito na ang proyekto ay hindi lamang magpapabuti sa kahusayan ng mga network ng transportasyon ngunit makakatulong din sa pangkalahatang pag-unlad ng socio-economic development, dahil ito ay lilikha ng mga trabaho, makaakit ng mga pamumuhunan, at magpapasigla sa paglago ng ekonomiya.
“As we break ground today, we are not just laying the foundation for a new structure; we are paving the way for progress, prosperity, and a brighter future for our nation. The Candaba Third Viaduct will stand tall as a symbol of our aspirations, our commitment to sustainable development, and our unwavering dedication to the welfare of our people,” pahayag pa ni Romualdez.
Noong nakalipas na buwan ng Mayo, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 8078 na naglalayong ñ magpatibay ng isang 30-taong National Infrastructure Program (NIP).
Iminungkahi ng panukalang batas na ituon ang mga pagsisikap sa imprastraktura sa transportasyon, enerhiya, mapagkukunan ng tubig, impormasyon, at teknolohiya ng komunikasyon, modernisasyon ng agri-fisheries at logistik ng pagkain, at social infrastructure.
