MIF nilagdaan na ni Zubiri sa Washington

Si Senate President Juan Miguel Zubiri habang nilalagdaan ang Maharlika Investment Fund sa Philippine Embassy sa Washington, USA. Naging saksi si Senador Francis Tolentino at Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez. Nasa larawan din si Senate Secretary Renato Bantug.

Ni NOEL ABUEL

Nilagdaan na ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang tatlong naka-enroll na panukalang batas sa Washington, DC kabilang ang Maharlika Investment Fund Act, Estate Tax Amnesty Extension Act, at ang batas na kumikilala sa Baler, Aurora, bilang lugar ng kapanganakan ng Philippine Surfing.

Nabatid na niagdaan ni Zubiri ang nasabing mga panukalang batas sa Embahada ng Pilipinas sa Washington DC, kung saan ito ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang working visit, at nakipagpulong sa mga miyembro ng Kongreso ng Estados Unidos at mga ahensya ng gobyerno.

Dinala ni Senate Secretary Renato Bantug, na bahagi ng Senate contingent para sa working visit, ang mga naka-enroll na kopya sa Washington.

“The Maharlika bill is a priority measure, and the Estate Tax Amnesty Extension is very time-sensitive. Marami nang naghihintay sa mga bills na ito. Fortunately the enrolled copies were already prepared by the time Secretary Bantug was set to join us in Washington,” sabi ni Zubiri.

“So he was able to bring them along with him, instead of letting them sit in the Senate waiting for my return, and I was able to sign them on Philippine soil, here in the embassy. This was at no expense to the Philippine government, kasi kasama naman talaga namin si Secretary Bantug sa Senate delegation. Isinabay na lang dalhin itongenrolled bills,” paliwanag pa nito.

Ang Estate Tax Amnesty program ay nag-expire noong Abril 14, 2023. Ang Estate Tax Amnesty Extension Act ay magtutulak sa panahon ng availment ng dalawang taon, o hanggang 14 Hunyo 2025 at na-certify ito ng Malacañang bilang isang urgent measure.

Naging saksi si Ambassador Jose Manuel “Babe” Romualdez at Senator Francis Tolentino, na bahagi ng working visit, sa paglagda ng panukala.

“We have a few more days of meetings here in Washington, but with these enrolled bills already signed, we can send them out straightaway upon our return,” sabi ni Zubiri.

Ang Estate Tax Amnesty Extension Act ay nakatakdang ipadala sa Malacañang para pirmahan ng Pangulo, habang ang Maharlika Investment Fund Act ay nakatakdang ipadala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para lagdaan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Leave a comment