Sen. Legarda kay Sen. Padilla: Huwag isuko ang FOI

Ni NOEL ABUEL

Pinayuhan ni Senate Pro-Tempore Loren Legarda si Senador Robinhood Padilla na huwag nawalan ng pag-asa na hindi maipapasa ang Freedom of Information Bill (FOI).

Sinabi ni Legarda na marami itong inihaing panukalang batas ang wala sa priority bill ng administrasyon subalit naipasa at naging batas.

Inihalimbawa nito ang Climate Change Act at Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) na bagama’t hindi naging priority measures at nakapaloob sa LEDAC ay naging batas.

Una nang sinabi ni Padilla na nagdadalawang-isip na talakayin ang FOI Bill dahil sa hindi naman itong kabilang sa priority bill ng pamahalaan.

Nanawagan din si Legarda, na isang dingdating beteranong mamamahayag na iwasan ang paglihis sa mga impormasyon na maaring makasira at makasakit sa kapwa.

Ito ng naging reaksyon ng senadora sa tanong ng mga mamamahayag kung nararapat na bang maging batas ang Freedom of Information (FOI) dahil sa pagkalat ng mga fake news sa social media.

Ipinunto ni Legarda na noong panahon ng siya ay isa pang mamamahayag at producers na nagsimula noong 1978 ay napakahigpit bago ilabas ang isang balita.

Aniya kailangan na kumpirmahin hindi lamang sa isang source kundi sa tatlo hanggang apat na impormante kung totoo ang nakalap na impormasyon at magsagaw rin ng pagsisiyasat.

Bukod dito sasalang pa aniya sa mga masusing proseso para lamang sa 30 minuto o isang oras na produksyon.

Iginiit ni Legarda na ang maling impormasyon na sinasadya ay hindi katanggap-tanggap at ang maling impormasyon dahil may pagkukulang sa pagsisiyasat ay hindi rin tama.

Aniya maaaring misleading ang tao sa maling impormasyon na maaring mauwi sa pagkasira at makasakit sa kapwa na hindi katanggap-tanggap sa isang civilized society.

Giit pa ni Legarda na ang FOI Bill sa ilalim ng Senate Bill No. 248 ay “long overdue” na sa Kongreso noon pang 2016.

Leave a comment