11 biktima ng human trafficking nasabat sa MCIA –BI

NI NERIO AGUAS

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport ang 11 indibiduwal na pinaghihinalaang biktima ng human trafficking habang patungo sa Dubai, UAE.

 Ayon sa BI, kabilang sa mga nasabat ang 7 kababaihan at apat na lalaki na pawang pinaniniwalaang biktima ng sindikato ng human trafficking.

Nabatid na nang dumaan sa inisyal na inspeksyon ang mga nasabing biktima ay agad na nagduda ang BI personnel kung kaya’t isinailalim ito sa karagdagang imbestigasyon ng Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).

Ayon kay Christabel O. Cuizon, supervisor ng MCIA TCEU, nagduda ito sa tunay na dahilan ng pagbiyahe palabas ng bansa ng mga biktima kung saan ilan sa mga ito ay nauna nang isinailalim sa offloading habang ang iba pa ay may ipinakitang employment visas.

Dahil dito, ang 11 ng biktima ay dinala sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Task Force sa Cebu para sa kaukulang imbestigasyon.

Nabatid na ang Dubai, ang kilalang destinasyon ng mga Filipino na naghahanap ng trabaho o nagiging final stop o transit point patungo sa mga bansa sa Africa at Middle Eastern countries.

Subalit, sa madalas na pagkakataon ang mga biktima ay naaabuso na naiuulat ng Philippine authorities partikular  ang mga Filipino na umalis ng bansa nang walang employment contracts mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ang insidente ay nagpapatunay sa ginagawa ng Philippine government ang lahat para labanan ang human trafficking at protektahan ang mga Filipino laban sa pagsasamantala.

Nagsisilbi rin itong paalala sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na sumunod sa mga tamang proseso at kumuha ng naaayong dokumento upang maging ligtas at kagalingan sa ibang bansa.

Una nang napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 Ranking sa United States’ Trafficking in Persons (TIP) Report sa loob ng 8-taong magkakasunod na nagpapatibay sa pangako na labanan ang human human trafficking at suportahan ang mga biktima.

Leave a comment